Mahigit sa P176,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang indibidwal na umano’y nagbebenta ng iligal na droga sa mga operatiba ng Paranaque City Police.
Kasong paglabag sa section 5 at 11 ang mga suspek na sina Carolina Chua alyas “Aika Sison”, 47; at Ryan Blas Sr. 32, kapwa residente ng Our Lady of Peace, sa likod ng Lorenzana Subdivsion, Barangay San Dionisio.
Ayon kay Police Major Anthony Alising, hepe ng Drug Enforcement Unit ng Paranaque Police station, isinagawa ang drug buy-bust operation laban sa dalawa at nasamsam sa mga ito ang nasa 26 gramo ng shabu na may street value na P176,800.00.
Nahaharap sa kasong Republic Act 9165 (Selling at possession) ang dalawang suspek.