2 LPA at Amihan, magpapa-ulan sa Pilipinas; pagbaha ibinabala ng NDRRMC

Share this information:

PATULOY na magdadala ng mga pag-ulan ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na sumasabay sa Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng bansa.

Sa ipinalabas na alas-kuwatrong weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA sa layong 40 kilometro ng Silangan ng Infanta, Quezon habang ang isa pang LPA ay na-monitor sa layong 190 kilometro ng Hilaga-Hilagang Kanluran ng Puerto Princesa, Palawan.

Samantala, makaaapekto naman sa buong Luzon ang hanging Amihan.

Ayon sa PAGASA, asahan na ang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Cagayan Valley, Aurora, Rizal at Quezon.

Posible rin ang mga pag-ulan sa Samar provinces at lalabing bahagi ng Luzon.

Samantala, nakabukas na rin ang isang gate ng Angat dam dahil sa patuloy na pag-ulan.

Kasabay nito, ibinabala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang posibleng mga pagbaha at pagguho sa mga lugar na apektado ng dalawang LPA.

Pinaghahanda na ng NDRRMC ang mga apektadong komunidad bagamat hindi inaasahang magiging bagyo ang mga LPA.

“Communities located in flood- and landslide-prone areas, especially in the river basins, must remain vigilant and undertake all necessary precautions to ensure their safety,” pahayag ni NDRRMC Executive Director at Undersecretary Ricardo Jalad.

“We know we are in the holiday season but we must continue to be prepared for any emergency,” dagdag nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.