DOH, hawak na ang flight manifest para sa contact tracing

Share this information:

Hawak na ng Department of Health (DOH)  ang flight manifest na makakatulong sa contact tracing upang matukoy ang mga nakasalamuha ng Pinoy real-estate agent  na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19. 

Ayon kay DOH Usec. Ma. Rosario Vergeire,  sinimulan na ang contact tracing sa mga close contacts ng 29 anyos na Pinoy na nanggaling sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).

Sa ngayon ay may pneumonia ang nasabing Pinoy at nasa isolation facility sa Quezon City.

Nabatid na nasa 259 pasahero ang sakay ng eroplano galing Dubai,  at nasa 58 porsiyento na sa mga ito ang nakontak na ng DOH at  sumailalim na rin sa quarantine. 

Ang Pinay girlfriend ng real-estate agent na kasamang bumiyahe sa Dubai ay nag-negatibo naman sa swab test subalit  muli siya isasalang   sa  COVID test. 

Hindi naman masabi ng DOH kung saan nakuha ng pasyente ang virus dahil pinag-aaralan pa ang  mga  naging aktibidades niya sa Dubai. 

Disyembre 27 nang umalis sa bansa ang naturang Pinoy at bumalik.nitong Enero 7  at dumiretso sa isang hotel bilang protocol. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

2 bagong laya, patay sa riding-in-tandem sa Maynila

Thu Jan 14 , 2021
PINAGBABARIL ang dalawang lalaki na kalalaya pa lamang ng piitan habang nasa loob ng pampasaherong jeep sa Sta. Cruz, Maynila. Sa ulat ng Manila Police District (MPD), biyaheng Blumentritt Dimasalang-Quiapo na pampasaherong jeep ang sinakyan ng mga biktima matapos silang makalaya mula sa Manila City Jail dakong alas-10 ng umaga. […]

Follow Us

%d bloggers like this: