1Bataan Malasakit Dialysis Assistance Center, binuksan sa Dinalupihan

Share this information:

Pormal na binuksan kahapon ng hapon ang 1Bataan Malasakit Dialysis Assistance Center na matatagpuan sa Dinalupihan sa Bataan.

Ang naturang dialysis center ay siyang magiging sentro o magsisilbing “one-stop shop” para sa mga mahihirap na residente na nangangailangan ng tulong medikal at pinansiyal, lalo na ang mga nagda-dialysis at iba pang major sickness o diseases na kadalasan ay inihihingi ng tulong sa mga lokal na pamahalaan.

Ang 1Bataan Malasakit Dialysis Assistance Center ay bukas hindi lamang sa mga taga Dinalupihan kundi maging sa taga-ibang bayan ng Bataan at matatagpuan malapit sa Dinalupihan District Hospital. 

Kasabay ng pagpapasinaya ng 1Bataan Malasakit Dialysis Assistance Center ay ang pagdiriwang ng kaarawan ni Dinalupihan Mayor Maria Angela “Gila” Garcia.

Ang pasinaya ay dinaluhan din nina Bataan Governor Abet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, mga hepe ng Provincial Health Office (PHO) at Municipal Health Office (MHO), iba pang health officials, medical frontliners, at mga ehekutibo mula sa Bataan Capitol.

Sa hinaharap ay nakatakda ring buksan ang kahalintulad na pasilidad sa bayan ng Mariveles para naman sa mga taga-Mariveles at mga taga Ikalawang Distrito na malapit sa naturang bayan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Vaccine simulation para sa mga senior, isinagawa sa Maynila

Thu Feb 18 , 2021
Nagsagawa ng COVID-19 simulation exercise ang Manila Health Department (MHD) para sa mga senior citizen bilang paghahanda pa rin sa mass vaccination sa lungsod ng Maynila. Ginawa ang aktibidad sa Legarda Elementary School, kung saan nakibahagi ang humigit-kumulang 100 na mga lolo at lola na pawang mga residente ng lungsod. […]

Follow Us

%d bloggers like this: