Vaccine simulation para sa mga senior, isinagawa sa Maynila

Share this information:

Nagsagawa ng COVID-19 simulation exercise ang Manila Health Department (MHD) para sa mga senior citizen bilang paghahanda pa rin sa mass vaccination sa lungsod ng Maynila.

Ginawa ang aktibidad sa Legarda Elementary School, kung saan nakibahagi ang humigit-kumulang 100 na mga lolo at lola na pawang mga residente ng lungsod.

Ayon kay MHD Dir. Dr. Arnold Pangan, ito ay base na rin sa direktiba ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso upang matiyak na magiging plantsado ang immunization sa lungsod sa oras na dumating ang suplay ng mga bakuna para sa COVID-19.

Higit 157,000 ang mga senior citizen sa buong Maynila at malaki umanong hamon para sa lokal na pamahalaan ang pagbabakuna sa kanila ayon kay Dr. Pangan.

Gaya ng mga nakalipas na simulation, ginawa rito ang proseso mula sa registration, hanggang sa mismong pagturok ng mga bakuna.

Kabilang naman sa mahalagang ginawa sa simulation ay ang pagtukoy kung may kasalukuyang sakit ang mga senior citizen. 

Inalaam  din kung may nakakaranas ng high blood pressure, hika at iba pang underlying conditions na mahalagang malaman ukol sa vaccination.

Ang mga seniorn citizen sa Maynila ay kabilang sa mga  prayoridad sa mass vaccination at ang mga bakuna ay libre.

Inaasahan naman ni Dr. Pangan  na hindi lahat ay magpapa-bakuna dahil sa pangamba o alinlangan, kaya hinihimok nila ang mga lolo at lola na magtiwala sa pamahalaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Joni Villanueva General Hospital passes House's 3rd reading

Thu Feb 18 , 2021
House Bill 8606, which enacts the ongoing construction of the public hospital in Bocaue, Bulacan to be named after the late Mayor Joni Villannueva as a nationally-funded government hospital, has been approved in third and final reading in Congress. According to House Bill 8606, the Joni Villanueva General Hospital will […]

Follow Us

%d bloggers like this: