Habambuhay na kalaboso dahil sa human trafficking

HInatulan na ng korte ang dalawang kababaihan na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa human trafficking.

Ayon sa NBI, hamambuhay na pagkakakulong ang ipinataw sa mga akusado na sina Mary Jane Mendoza at Magdalena Viray ng Sta. Cruz, Laguna Family Court Branch 6.

Taong 2019 nang maaresto ng NBI- Anti-Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD) ang dalawang akusado sa entrapment operation, kasama si Warren Masacaya kung saan nasagip naman ang dalawang babaeng biktima  kabilang ang tatlong menor de edad.

Ayon sa desisyon ng korte, napatunayang guilty beyond reasonable doubt sina Mendoza at Viray at sila ay napatawan ng 5 counts ng Qualified Trafficking in Persons bukod pa sa life imprisonment sa bawat bilang.

Inatasan din ng korte ang mga akusado na magbayad ng tig P2 milyon nang walang parole at bayaran din ang bapribadong complainants ng halagang P200,000 bilang moral damages at P100,000  bilang exemplary damages.

Samantala, pinawalang-sala naman si Masacaya dahil sa kabiguan ng pag-uusig na patunayan ang pagkakasala nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.