Mahigpit na binabantayan ngayon ang mga lalawigan ng Batangas at Pampanga, mga lalawigang katabi lamang o malapit sa boundary ng National Capital Region (NCR), dahil maaari itong mapasama sa “NCR Plus Bubble” dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkaka-COVID-19 sa loob lamang ng ilang linggong obserbasyon.
Ayon sa bagong ulat na inilabas ng OCTA Research, pumalo sa 141 percent o 150 bagong kaso sa Batangas sa loob lamang ng halos isang linggo Marso 17-23] kumpara sa dating 62 new cases noong unang linggo ng buwan.
Sumipa naman sa 86 percent o 121 bagong kaso sa lalawigan ng Pampanga na dating nasa 65 lamang.
Dahil sa obserbasyon ng mga eksperto, nagsasagawa na ng mahigpit na pagbabantay sa mga nasabing probinsiya at pinag-aaralan na ng pamahalaan na maaring mapasama sila sa loob ng bubble plus kung magpapatuloy ang pagtaas ng mga magkakasakit ng COVID-19 doon.