14 kaso ng iba’t-ibang variant nananatiling aktibo — DOH

Share this information:

Nananatiling aktibo  ang 14 na kaso ng iba’t-ibang bagong variant ng SARS CoV2, ayon ito sa Department of Health (DOH).

Sa ulat ng DOH, walo na lamang ang aktibong kaso ng UK variant o B.1.1.7, lima ang South Africa variant o B.1.351 habang isa ang P.3 na unang nadetect dito sa Pilipinas.

Patuloy naman umanong nagpapagaling ang nasabing mga kaso.

Hanggang nitong May 9, umabot sa 952 ang naitalang kaso ng UK variant sa bansa kung saan 22 ang namatay, 1,098 ang South Africa variant na nakapagtala ng 17 nasawi at 157 na naapektuhan ng P.3 kung saan isa ang namatay

Nakapagtala naman ng tig-dalawang kaso  ng P.1 na unang lumitaw sa Brazil at B.1.617 o India variant na pawang gumaling na.

Mula sa 7,213 na samples na kinuha sa mga tinamaan ng sakit na isinailalim sa genome sequencing mula noong Enero ang mga natukoy na tinamaan ng iba’t ibang variant ng virus na nagdudulot ng COVID-19 .

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.