Second dose ng bakuna sa Maynila, ipagpapatuloy ngayong araw

Ipagpapatuloy ngayong araw sa iba’t-ibang distrito sa Maynila ang bakunahan para sa second dose. 

Target ng pamahalaang lungsod ng Maynila na mabakunahan na ng 2nd dose ang mga naunang nabigyan ng CoronaVac noong Abril 14.

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), ipagpapatuloy ngayong araw ang pagbabakuna sa anim na distrito ng Maynila ngayong araw.

Kabilang ang pinagdausan ng 2nd dose ng bakuna ng Sinovac ang Isabelo Delos Reyes at President Sergio Osmeña Elementary School sa District 1 and 2.

Kasama rin dito ang Andres Bonifacio Elementary School at Ramon Magsaysay High School sa District 3 at 4.

Gayundin ang Palacio de Maynila sa District 5 at Jacinto Zamora Elementary School sa District 6.

Pinaalalahanan ang mga tatanggap ng 2nd dose ng bakuna na ipakita ang printed waiver form o QR code para sa verification. 

Kailangan ding dalhin ang ID ng mga magpapabakuna at pinasusunod sa minimum public health standards kabilang ang pagsusuot ng face mask at face shield

Samantala, bukas ang target ng pamahalaang lungsod ng Maynila na gamitin ang bakuna mula sa Pfizer.

Kagabi dinala sa Sta. Ana Hospital ang 1,170 vials o 7,020 doses ng bakuna mula sa Pfizer BioNTech.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.