’13th month pay, dapat ibigay bago ang December 24th’- DOLE

Obligado umano ang mga kumpanya na ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga manggagawa bago sumapit ang Disyembre 24.

Ito ang nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III alinsunod sa presidential decree 851.

Gayunman, ipinunto ni Bello na mayrong nakasaad sa Presidential Decree no. 851 na nagsasabing ‘exempted’ sa pagbibigay ng 13th month pay ang mga kumpanyang ‘in distress’.

Dahil dito, pinulong ng labor department at ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 20 labor unions at 20 management associations para pag usapan at magkaroon sila ng consensus kung alin aling mga kumpanya ang maituturing na ‘in distress’.

Sa mga nauna nang pahayag ni Bello, sinabi rin nito na maaari rin namang ikonsidera na baka pwedeng iatras lamang o ipagpaliban pansamantala o idefer ang pagbibigay ng 13th month pay ng mga ‘in distress’ na kumpanya.

Inaasahan ni Bello na magkakaroon ng consensus ang lahat ng dadalong unyon, mga management associations para resolbahin ang isyu sa 13th month pay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.