NBI, dapat imbestigahan ang smuggling sa Customs

Share this information:

Dapat umanong imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI)  ang talamak na smuggling  sa Bureau of Customs (BOC) at mga kahina-hinalang trader.

Ito ang naging tugon ng samahan ng mga magbababoy sa isang media forum  patungkol sa kautusan ng Department of Justice (DOJ) sa NBI na imbestigahan ang manipulasyon sa presyo ng baboy.

Sinabi ni Nicanor Briones, Vice President for Luzon ng Pork Producers Federation of the Philippines, na sayang lamang ang panahon ng  DOJ at NBI sa gagawing imbestigasyon hinggil dito.

Iginiit nito na ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng baboy ay ang African Swine Fever o ASF at smuggling.

Isa rin aniya ang kapabayaan sa ayuda para sa mga magbababoy kaya panawagan nito sa gobyerno na tutukan  ang nangyayaring technical smuggling dahil malaking halaga umano ang nawawala sa kinikita ng pamahalaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Price ceiling inspection

Tue Feb 9 , 2021
IN PHOTO: From Left to Right. Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, Agriculture Secretary William Dar and MMDA Chairman Benhur Abalos inspects a meat stall at Commonwealth Market in Quezon City during the Joint Monitoring and Inspection of pork price ceiling imposed by the government yesterday.

Follow Us

%d bloggers like this: