2 lalaking bagong laya, niratrat sa loob ng pampasaherong jeep sa Maynila

Share this information:

Patay ang dalawang  lalaki nang pagbabarilin sila ng riding in tandem sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), biyaheng Blumentritt Dimasalang -Quiapo ang pampasaherong jeep nang pagsapit sa tapat ng MPD Station 3 o bago bumaba ng underpass  nang sumakay ang mga biktima na kakalaya pa lamang umano sa Manila City Jail dakong alas 10 ng umaga.

Kinilala  ang mga ito na sina Reynaldo Nuque, na umano’y dating pulis na nag-AWOL, 40, nakatira sa 201  Gov. Pascual, Tugatog, Malabon City, at Felizardo Pablico, 49, miyembro ng Sputnik at residente ng 2757  Juan Luna St., Sta. Cruz, Maynila.

Ang dalawa ay kapwa umano  nakulong noong Nobyembre dahil sa kasong robbery hold up.

Ayon sa pulisya, apat na lalaki na nakasuot ng jacket, helmet,  at facemask ang sumulpot sa  kanang bahagi ng jeep  at walang habas na nagpaputok sa mga biktima.

Matapos ang pamamaril ay saka tumakas sa direksiyon ng Recto ang mga suspek.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at inaaalam din ang motibo sa pagpatay sa dalawang bagong layang biktima.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Government crooks named

Thu Jan 14 , 2021
PRESIDENT Rodrigo Duterte opened his most recent public address by reading names of suspected crooks in the government. Except for Quedan and Rural Credit Guarantee Corporation regional vice-president Alejandro Rivera, the rest are holding lower-ranked positions in the government. Noticeably missing are names of public officials in the top five […]

Follow Us

%d bloggers like this: