Breaking News

Share this information:

HIHIMAS ng rehas na bakal ang isang 21-anyos na lalaki makaraang halayin ang Grade 7 na pamangkin ng kanyang kinakasama sa Valenzuela City.

Kasong panggagahasa ang isinampa ng mga tauhan ng Valenzuela City police nitong Sabado ng hapon laban kay Raymond Rindado, alyas “Emon,” residente ng 141 A. Tongco St. Malinta matapos ireklamo ng kanyang 30-anyos na ka-live-in bunga ng ginawang pagmomolestiya sa 12-anyos niyang pamangkin na itinago lang sa pangalan “Janet.”

Lumabas sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Valenzuela Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na noong hatinggabi ng Miyerkules, Hunyo 16, 2021, ginapang umano ng suspek at puwersahang hinalay ang biktima habang mahimbing na natutulog sa loob ng silid ng kanyang tiyahin sa Kamagong St. Fortune 6, Brgy. Parada sa naturang lungsod.

Matapos ang panghahalay, pinagbantaan pa umano ng suspek ang biktima na huwag magsusumbong kahit kanino kung nais pa niyang mabuhay subalit nito lamang araw ng Biyernes, naglakas-loob na si Janet na sabihin sa kanyang tiyahin ang kahalayang ginawa sa kanya ni Rindado.

Dahil dito, kaagad na humingi ng tulong ang tiyahin ng biktima kay PSMSgt. Roberto Santillan ng Station Intelligence Section na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek matapos na makipagtipan sa kanyang kalive-in sa harap ng simbahan ng Karuhatan pasado alas-9 ng gabi, araw ng Biyernes.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: