10k ayuda para sa mga nasunugan sa Parola, Tondo

Share this information:

Makakatanggap ng P10,000 ayuda mula sa pamahalaang lungsod ng  Maynila ang bawat pamilyang nasunugan sa Parola Compound sa Tondo, Maynila. 

Ito ay matapos aprubahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang P10,000 financial assistance sa mga biktima. 

Magugunitang limang katao ang nasawi sa sunog na umabot sa 4th alarm nitong Pebrero 22. 

Base sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 300 kabahayan  na pawang  yari sa light materials ang nasunog. 

Tinatayang nasa 600 pamilya naman ang apektado ng sunog, na kasalukuyan ngayong nanunuluyan sa P. Gomez Elementary School. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Xian Lim back to hosting Bb. Pilipinas

Tue Feb 23 , 2021
Come April 17, 2021, popular actor Xian Lim will be back to his usual hosting chores for the upcoming 57th Binibining Pilipinas beauty pageant to be held at the Smart Araneta Coliseum in Quezon City. Lim has become a familiar fixture in hosting the annual pageant. It will be his […]

Follow Us

%d bloggers like this: