1 patay, 15 nailigtas sa tumagilid na RoRo sa Leyte

Share this information:

PATAY na nang matagpuan ang isa sa mga tripulante ng tumagilid at lumubog na RoRo sa karagatang sakop ng Ormoc City, Leyte nitong Biyernes ng gabi.

Tinukoy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagkakakilanlan ng nasawi na si Raquel Alo, 33-anyos, na pinaniniwalaang naipit sa loob ng sasakyang pandagat.

Madaling araw na ng Sabado nang matagpuan ang bangkay ni Alo sa loob ng nadisgrasyang MV Lite Ferry 3. Naihatid na rin sa kanyang pamilya ang nasawing tripulante matapos ang pagsusuri ng mga operatiba ng Omoc City Scene of Crime Operation.

Samantala, nailigtas naman ang labing-limang crew pa ng RoRo at isinalang na sa medical assistance ng Ormoc City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Dakong alas-11:50 ng Biyernes nang gabi habang nagmamaniobra para dumaong sa Ormoc Port ang RoRo ay tumagilid ito sa bahagi ng starboard ng bark oar lumubog.

9 indibdiwal nawawala sa lumubog na bangkang pangisda sa iloilo

Samantala, patuloy na ring hinahanap ng PCG ang siyam sa 22 mangingisda na nadisgrasya rin sa gitna ng laot ng Tanguigui Island sa Northern Cebu at Gigantes Island sa Iloilo na lulan ng St. Peter the Fisherman II.

Ayon sa incident report ng PCG, sinalpok ng malakas na hangin at alon ang bangkang pangisda na pag-aari ng Tristar Fishing Corporation.

Ang isa sa mga nakaligtas na si Second Mate Pablito Desamparado, ang naglahad sa PCG na nakasalubong ng malakas na hangin at malalaking alon ang kanilang bangka sa kasagsagan ng pangingisda.

Tumagilid din sa kaliwang bahagi ng bangka at lumubod. Kabilang pa sa mga nawawalang mangingisda ay natukoy na sina Boat Captain Frankie Chavez (Toboso, Negros Occidental), Sonar Operator Norberto Parlotzo (Bantayan Island, Cebu), Steersman Renante Forsuelo (Cadiz City, Negros Occidental), Steersman Victor Calvo (Cadiz City, Negros Occidental), Chief Engineer Herminio Ronamo (Estancia, Iloilo), Third Engineer Manuel Auditor (Cadiz City, Negros Occidental), Piscador Rommel Engle (Cadiz City, Negros Occidental), Piscador Julit Salvo (Don Salvador Benedicto, Negros Occidental) at Cook Julian Dungog (Cadiz City, Negros Occidental).

Photo Credit: Philippine Coast Guard

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.