Breaking News

Share this information:

LIMANG beses na suntok sa tiyan ang pinaniniwalaang tumapos sa buhay ng isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Tinukoy ng Silang, Cavite Police ang pagkakakilanlan ng biktimang si Cadet Third Class George Carl Magsayo, 21-anyos, taga-Pagadian City.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:40 ng hapon nuong Huwebes, Setyembre 23 nang magtungo si Magsayo at isa nitong kasamahan sa kuwarto ng suspek na si Cadet Second Class Steve Ceasar Maingat.

Binalaan ng suspek ang biktima at ang kasamahan nito, ngunit ilang saglit lamang ang lumipas ay pinagsusuntok na umano ng suspek ang biktima sa tiyan.

Nawalan ng malay si Magsayo at isinugod sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay nang makarating dakong alas-6:43 ng gabi.

Nagpahayag naman ng pakikiramay ang pamunuan ng PNPA sa pagpanaw ni Magsayo.

“It is with deep sorrow that we confirm the sudden demise of Cdt 3C George Karl Magsayo,” ayon sa PNPA.

Kasabay nito ang pagtitiyak na magsasagawa ng malalimang pagsisiyasat sa insidente upang lumabas ang totoong nangyari sa pagkamatay ni Magsayo.

“An extensive investigation is being conducted to ferret out the truth about what happened that led to this tragic but isolated incident while the body of Cdt Magsayo is subject to an autopsy to determine the cause of death. We would like to assure everyone especially the family that we WILL MAKE ANYONE ACCOUNTABLE should the findings so warrant and GIVE JUSTICE TO WHOM IT IS DUE,” dagdag ng PNPA.

Binigyang-diin pa ng PNPA na mahigpit nitong sinusunod ang “no hazing policy” at pinahahalagahan ang buhay at karapatang pantao, na itinuturo sa mga kadete at personnel.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: