“Zero obstruction” sa mga “Mabuhay” lanes sa Maynila

Share this information:

Inatasan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang lahat ng
896 barangay officials na panatilihing “zero obstruction” ang mga itinalagang Mabuhay Lanes sa lungsod ng Maynila at panatilihin ang mga ito na “non-negotiable.”

Sa memorandum ni Manila Barangay Bureau (MBB) Director Romeo Bagay, ipinag-utos ng alkalde na  mahigpit nilang ipatupad ang “No Obstruction” at “No Vendor” policy sa kanilang lugar na sakop ng Mabuhay Lanes partikular na sa lugar ng Abad Santos, Juan Luna (Asuncion St. to Recto Ave.), Soler, Blumentritt (Antipolo St. to Aurora Blvd.), Raon, Taft (Vito Cruz St. to Ayala Bridge), Ayala Ave. (Taft Ave. to C. Palanca Sr. St.), Palanca (P. Casal St. to Plaza Lacson), Nicolas Zamora (Tayuman St. to Moriones St.), Moriones (Nicolas Zamora St. to R-10), Escolta (Plaza Cervantes to Plaza Sta. Cruz), Recto (Legarda St. to Asuncion St.), Carriedo, Pedro Gil, Padre Faura, Angel Linao, Paz (Pedro Gil St. to Escoda St.), at A. Lacson.

Sinumang opisyal ng barangay na hindi makatutugon sa nasabing kautusan ay maaaring maharap sa kasong administratibo at dahil sa pagpapabaya ng kanilang tungkulin ay maaaring magresulta sa pagbibigay sa kanila ng show-cause order, ayon kay Bagay.

Ang naturang hakbang ay isa sa mga direktiba ni Mayor Isko upang mapaluwag ang mga kalye at kalsada sa lungsod upang magamit ito ng mga motorista gayundin ng mga pedestrian. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Import more to address pork shortage -- DA

Wed Feb 10 , 2021
AMID scarcity of pork meat products in the market, the government is seriously considering the idea of increasing the minimum allowed volume of pork imports this year to augment domestic supply due to the constraints brought by the African swine fever (ASF). In a press briefing in Malacañang, Agriculture Secretary […]

Follow Us

%d bloggers like this: