NIYANIG ng magnitude 5.2 na lindol ang bahagi ng Bajo de Masinloc sa Zambales province, umaga ng Linggo.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol dakong alas-8:17 ng umaga sa layong 74 na kilometro ng Bajo de Masinloc.
May lalim na 21 ang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Naitala ang Intensity II sa bahagi ng Palauig, Zambales. Hindi inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala ang lindol ngunit posible pa rin ang mga aftershock

