Yorme Isko sa “White Sand” Project: Tuloy lang!

Share this information:

Walang nakikitang rason si Manila Mayor Isko Moreno para ipatigil ang kontrobersiyal na Manila Bay White Sand Project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ito ang reaksiyon ng alkalde hinggil sa mga panawagan ng ilang grupo na itigil ang naturang proyekto, na bahagi ng rehabilitation process ng Manila Bay.

Ayon kay Moreno, kung ipapatigil ang proyekto ay dapat na may malaking kadahilanan sa likod nito.

Dapat rin aniyang tukuyin kung ano ang magiging kapakinabangan ng mga mamamayan kung ititigil ang proyekto.

Ipinaliwanag pa ng alkalde na matagal nang dapat na ni-rehabilitate ang Manila Bay kaya’t marapat lamang na maisakatuparan na ito sa ngayon.

Nanawagan rin siya na maging patas para sa mga environmentalists na 20-taong nakipaglaban upang maibalik sa dating ganda ang Manila Bay hanggang sa tuluyang magdesisyon ang Korte Suprema na pabor dito.

“There must be a valid reason to stop this project. Let us go back to its principle, this is a rehabilitation of the entire Manila Bay and you are just talking only of Manila alone. Manila Bay is composed of so many provinces and municipalities and cities. This is just the beginning,” aniya pa, sa isang panayam.

Inihayag pa ng alkalde na mismong ang Department of Health (DOH) na rin naman ang nagbigay ng klaripikasyon na ligtas ang dolomite sand at hindi makasasama sa kalusugan ng mga mamamayan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.