NAG-INSPEKSYON si Manila Mayor Isko Moreno sa Quaipo area para sa mahigpit na pagpapatupad ng public health protocol at para sa paghahanda na rin ng “Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno” bukas, araw ng Sabado, Enero 9.
Kasama ni Moreno si Manila Police District (MPD) Director Brig. General Leo Francisco at Police Lt. Col. John Guiagui sa pag-iikot sa Quiapo.
Muli namang nanawagan ang alkalde sa mga deboto na manatili na lamang sa bahay at manalangin ng taimtim dahil may banta pa rin ng Covid-19.
Kaugnay ng pagdiriwang, sinuspindi naman ng alkalde ang online classes bukas dahil sa inaasahang isyu sa koneksyon ng signal.
Ipinagbabawal din ang pagbebenta ng alak at pag-inom sa pampublikong lugar .
Sinigundahan naman ni Quiapo Church rector Msgr. Hernando Coronel ang panawagan ng alkalde sa mga deboto dahil hindi naman aniya kabawasan ito sa kanilang pananampalataya. (With reports from JONAH AURE)