Yorme Isko, binalaan ang mga patuloy na lalabag sa price ceiling

Share this information:

Binalaan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga patuloy  na lalabag sa price ceiling  ng karne ng baboy at manok.

Kasabay nito, nanawagan si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na magsakripisyo muna ang mga nagtitinda ng karneng baboy at manok upang masunod ang P270 at P300  price ceiling na itinakda ng pamahalaan para sa karneng baboy, habang P160 naman para sa karne ng manok.

Sinabi ng alkalde na ang usapin ay idinadaan nila sa pakiusap at diplomasya ngunit malinaw din aniya ang batas kaya huwag nang hintayin na mawalan pa sila ng hanapbuhay.

Dapat lamang aniyang balansehin ng mga producer at vendor ang kita nila para makinabang ang mga mamimili na tinamaan rin ng pandemya.

Dagdag pa ni Domagoso, mahalaga aniya na hindi sila malugi at huwag pag-interesan pa na mabawi ang kanilang kita bago pa man mangyari ang pandemya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pandemic food aid drive continues as SMC distributes 70,000 "nutri-buns"

Tue Feb 16 , 2021
San Miguel Corporation (SMC) has already distributed over 70,000 “nutri-buns” to poor communities as part of its ongoing efforts to provide food aid for Filipinos still struggling to cope with the economic impact of the COVID-19 global pandemic.   SMC President Ramon Ang said it’s been almost a year since the […]

Follow Us

%d bloggers like this: