Breaking News

Share this information:

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang website  para sa mga motoristang gustong malaman kung may violation o paglabag sila sa batas-trapiko sa lungsod.

Ito ay bahagi ng No Contact Apprehension Program o NCAP ng City of Manila.

Makikita sa nocontact.manilacity.ph kung  may violation na ba ang isang motorista.

Kailangan lamang ilagay ang plate number o conduction stricker ng sasakyan upang malaman kung mayroon na itong mga paglabag sa batas trapiko  sa Maynila.

Sa mga may paglabag naman, maaari ring i-check dito ang notice of violation, at kung ano ang dapat gawin gaya ng proseso sa pagbabayad.

Pinapayuhan ang mga motorista na magkaroon ng oras na bisitahin ang website at alamin kung mayroon silang ginawang paglabag sa batas-trapiko at mga ordinansa sa kalsada sa Maynila.

Pero higit sa lahat, pinaalalahanan ang lahat na maging responsableng motorista upang iwas-huli, iwas-parusa, at iwas-disgrasya.

Matatandaang una nang inilunsad sa lungsod ng Maynila ang mga high-definiton CCTV camera kung saan malinaw na makikita ang sinumang  motorista na lalabag sa batas trapiko.

Inilunsad ang NCAP na naglalayong maiwasan ang pangongotong ng mga traffic personnel na ipinapakalat sa mga kalye sa Maynila.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: