“WE will work hand-in-hand with the national government and organizations to make Manila vibrant, clean, and safe once again.”
Ito ang naging pahayag ni Manila Mayor-elect Francisco Domagoso nang dumalo ito sa ceremonial lighting ng Pasig River Esplanade sa may Jones Bridge bilang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Philippine-Chinese Bilateral Relations.
“Sa abot ng aming makakaya bilang lokal na pamahalaan, makikiisa po kami sa pagsasaayos at pagpapanumbalik kagandahan ng mga napabayaang pasyalan at makasaysayang lugar sa kapitolyo ng bansa,” saad ni Domagoso.
Lubos namang nagpapasalamat ang mayor-elect ng pangunahing lungsod ng bansa kina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., First Lady Liza Marcos, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) at sa pangulo nito na si Victor Lim, Presidential Adviser for Pasig River Rehabilitation Secretary Jerry Acuzar, China Ambassador to the Philippines Huang Xilian, at sa lahat ng mga organisasyon at tanggapan ng gobyerno na nagtulungan upang maisakatuparan ang proyektong ito na muling pagbuhay sa isang mahalagang pasyalan sa lungsod.
Dumalo rin sa nasabing pagdiriwang si outgoing Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto.

