Water-borne diseases, binabantayan ng DOH matapos ang pananalasa ni “Odette”

Share this information:

BINABANTAYAN na ng mabuti ng Centers for Health Development (CHDs) at Regional Epidemiology and Surveillance Units (RESUs) ang mga hospital at evacuation centers kung may mga mapapaulat na mga water-borne diseases matapos ang pananalasa ng bagyong Odette sa ilang mga rehiyon.

Ayon ito kay Department of Health (DOH) Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan sinabi nitong biniberipika na ng DOH ang bilang ng pasyente na kasalukuyang naka-admit  sa mga health facilities.

Sinabi ni Vergeire na kahit hindi maganda ang signal ng komunikasyon ay ginagawa na ng DOH ang lahat upang mamonitor ang kondisyong pang-kalusugan ng mga pasyente para sa kaukulan at napapanahon na mga interbensyon.

Samantala, base sa ulat na isinumite sa Health Emergency Management Bureau (HEMB) nitong Disyembre 22, mayroon nang kabuuang 78 na nasirang mga health facilities. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

44 roads reopened; 3 roads still impassable due to Typhoon Odette -- DPWH

Fri Dec 24 , 2021
ONLY three national roads remain closed as the Department of Public Works and Highways (DPWH) Quick Response Teams continue to conduct clearing operations of roads affected by the onslaught of Typhoon Odette. This is as of 12 pm today, December 24, 2021. DPWH Secretary Roger Mercado said that 44 roads […]
%d bloggers like this: