BUMAGSAK sa mga kamay ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa kasong fraud.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang wanted na si Che Szu-Han, 26 anyos, na naaresto sa Clark Freeport sa Mabalacat, Pampanga sa bisa ng isang mission order.
“He will be deported after our board of commissioners issue the order for his summary deportation. He will be placed in our blacklist and banned from re-entering the Philippines,” ayon sa BI chief.
Sinabi naman ni BI-Fugitive Search Unit (FSU ) acting chief Rendel Ryan Sy na ang warrant laban kay Chen ay insiyu ng Taipei District Prosecutors Office.
Inakusahan ng mga awtoridad sa Taiwan si Chen na sinasabing miyembro ng sindikato na nandadaya sa mga kababayan nito sa pamamagitan ng pangongolekta ng pera na idinideposito nito sa kanyang sariling mga bank account.
Kanselado na rin ang kanyang passport dahil sa pagiging undocumented nito.

