Pekeng OEC na makukuha online, huwag tangkilikin – BI

Share this information:

NAGBABALA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco hinggil sa mga pekeng overseas employment certificates (OECs) na nakukuha online.

Bunsod nito ng pagkakasabat ng bagong batch na papaalis na mga Filipino na nagpapakita ng pekeng OECs.

Iniulat ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ang pagka-aresto ng tatlong biktima na nagtangkang lumipad patungong Warsaw, Poland sakay ng Air China flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sinabi ng mga biktima na isang babae at isang lalake na ni-recruit sila online sa pamamagitan ng Messenger at nagbayad sila ng tig-P70,000 para sa kanilang recruitment at ticket at karagdagan na P7,000 para sa mabilis na pagpoproseso ng kanilang OECs na natanggap nila sa kanilang email.

Isa pang 28-anyos na lalaking biktima ang naaresto sa Clark International Airport habang papaalis patungong Dubai sakay ng Emirates Airlines flight na magta-trabaho sana bilang personnel manager sa isang service provider at nagpakita ng pekeng dokumento.

Sinabi ng biktima na nakuha niya ang nasabing pekeng OEC sa pamamagitan ng online at nagbayad ng P7,000.

Ang nabanggit na kaso ay nangyari din sa dalawang babae na naaresto sa NAIA Terminal 1 patungong Poland kung saan nakuha nila ang OEC sa pamamagitan ng Facebook at nagbayad ng halagang P500.

Our system is integrated with the DMW’s database, hence it is very easy for us to verify legitimate OECs,” ayon kay Tansingco.  “Using these fake certificates will no longer work,”  dagdag pa niya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.