Walong PCG, sugatan sa aksidente sa Palawan

WALONG Philippine Coast Guard (PCG) crew members na nakatakdang i-deploy sa West Philippine Sea (WPS) ang sugatan matapos bumaliktad ang kanilang sinasakyan sa Barangay Labog, Sofronio Española sa southern Palawan.

Sinabi ni Capt. Dennis Labay, commander ng PCG District Palawan, ang nasabing crew ay bahagi ng three-vehicle convoy na patungo sana sa Buliluyan Port sa Batazara para sa deployment sa Kalayaan Island Group.

Ayon kay Labay, agad namang tumugon ang mga serbisyong pang-emergency at tiniyak na ang mga nasugatan ay dinala sa Sagrado Hospital sa Brooke’s Point upang malunasan ang kanilang mga tinamong sugat.

Sinabi ni Labay na susuriin nilang muli ang kanilang operational at safety protocols kapag nagdadala ng mga tauhan ng PCG sa kalupaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.