Breaking News

Share this information:

MULING pinayagan ni Manila Mayor Francisco Domagoso ang “walk-in” sa mga vaccination sites ng lungsod.

Ito ay matapos langawin ang mga vaccination sites sa Maynila  kasunod ng scheduling system na nais ipatupad ng gobyerno.

Sa kanyang pagbisita ngayong hapon sa mga vaccination sites, sinabi ng alkalde na kailangang intindihin kung bakit hindi nakarating ang mga dapat na nakaskedyul at tineks ngayon araw para mabakunahan dahil sila ay may kanya-kanyang mga dahilan tulad nang kailangan nilang maghanapbuhay para sa pamilya.

Hindi aniya maaring i-penalize ang mga tao  sa halip ay unawain  at dapat silang akapin.

“Ayaw ko na ipenalize ang tao, gusto ko unawain na lang may mga kanya kanya dahilan and most of them economic reasons, let us just accommodate everyone, we need your support,” anang alkalde.

Ayon sa ibinahaging datos ng Manila Public Information Office, umabot lamang sa 4,210 ang nabakunahan ngayong maghapon kung saan naglaan ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng 28,000 doses ng bakuna.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: