Walang shortage sa paracetamol-DOH

Share this information:

Walang “ongoing shortage” o nangyayaring kakulangan sa mga paracetamol o iba pang gamot sa ating bansa.

Ito ang tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko sa gitna ng mga alegasyon at ulat ng umano’y kakulangan na ng supply ng paracetamol at iba pang gamot para sa mga “flu-like” na sintomas.

Kasabay nito ay umapela ang DOH sa publiko na huwag mag-hoard, mag-panic buying o bumili ng mga gamot nang hindi naman “clinically warranted” o lubos na kinakailangan.

Ayon sa DOH, agad nilang kinonsulta ang major drugstore chains at mga local manufacturer at suppliers ukol sa estado ng supply ng mga nabanggit na produkto.

Bagama’t may mataas umanong demand ngayon para sa paracetamol at mga kahalintulad na gamot, wala umanong shortage, habang may generic alternatives naman sa merkado at available o mabibili sa maraming drug stores sa buong bansa.

Siniguro din ng DOH na patuloy silang nakamonitor sa sitwasyon at supply ng mga critical medicine para sa COVID-19, kasama ang mga supportive medicines para sa symptomatic treatment.

Dagdag ng DOH, ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Trade and Industry (DTI) ay gumagawa ng mga paraan upang matiyak ang supply ng mga kinakailangang produktong pangkalusugan para sa patuloy na pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.