2022 Bar exams, magiging dalawang araw na lang

MAKASAYSAYAN ang gaganaping 2022 Bar examinations matapos magdesisyon ang Korte Suprema na gawing dalawang magkasunod na araw na lamang ito. 

Mula sa dating nakasanayan na apat na araw tuwing Linggo ay idadaos ang pagsusulit sa darating na Enero 23 at 25.

Ito ay matapos ikonsidera ni SC Bar Chairman Marvic Leonen ang pandemya at hagupit ng bagyong Odette, na nagdulot ng malaking epekto sa mga Bar examinees. 

Nabatid na pinaikli na rin ang coverage ng Bar exams at nag abiso pa si Leonen na mag focus sa mga basic principles.
Inabisuhan rin ang mga examinees na mag self quarantine 9 na araw bago ang araw ng pagsusulit.

Magugunitang kinansela ang 2021 Bar exams dahil sa COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.