“Walang isyu para buwagin ang MMDA” — Zamora

Share this information:

INIHAYAG ni Metro Manila Council President at San Juan Mayor Francis Zamora na wala siyang nakikitang isyu para buwagin ang Metro Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni Zamora sa Kapihan sa Manila Bay na siya ay pro-MMDA at wala siyang nakikitang rason para buwagin ito sa gitna ng mga panawagan na buwagin dahil sa ginagawang clearing operations.

Bilang bagong Chairman ng Regional Peace and Order Council of Metro Manila, sinabi rin ni Zamora na  nakita niya ang kahalagahan ng MMDA at wala rin siyang narinig sa iba pang mga Metro Manila mayors na pro-abolisyon.

“As far as I know i have not  seen any information of any mayor who wants to abolish MMDA.”

Tama lamang aniya na may isang governing body na tumitingin sa kabuuan ng Metro Manila dahil hindi aniya kakayanin ng 17 local government units (LGUs) lamang.

Hinalimbawa pa nito na noong panahon ng pandemya, lockdown sa mga lungsod, pag-regulate ng public transportation na kapag wala ang tulong ng MMDA ay mahihirapan silang gawin ito.

Mayroon aniyang 17 LGUs na bagamat may iba’t-ibang polisiya, ordinansa ay mayroon isang governing body na humahawak sa kanila.

“It is a matter of communication kung may problema, tamang koordinasyon, walang dahilan para magka-isyu,” pahayag pa ni Zamora sakaling may mga isyu at problema sa pagitan ng MMDA at LGU tulad nang nangyaring girian sa pagitan ng MMDA at ilang district congressman sa Maynila kamakailan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.