Online registration, posibleng hindi maipatupad para sa mga bagong botante sa May 2025 polls

Share this information:

SINABI ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na posibleng hindi maipatupad ang online registration sa susunod na taon para sa mga bagong botante para sa May 2025 elections.

Ayon kay Garcia, kung magpapatuloy sa Pebrero 2023 para sa preparasyon ng 2025 elections, nais aniyang maging tapat na ang automated at online system ng registration ay maaaring hindi posible.

Binanggit din ni Garcia sa pagdinig sa Senado ang Republic Act 8189 na nagsasaad na ang mga indibidwal na gustong magparehistro ay dapat pa ring personal na humarap sa registration sites.

Aniya, kapag hindi humarap ng personal ang aplikante ay magkakaroon ng katanungan kung sa aplikante ba talaga nanggaling ang ibinigay na biometrics.

Sa kabila nito, sinabi ni Garcia na bukas ang Comelec na pumasok sa  data-sharing agreement sa PhilSys upang bigyan-daan ang paglipat ng biometrics sa Comelec.

Gayunman, sinabi ni Garcia na ang lahat ng aplikante para sa pagpaparehistro ay dapat pa ring personal na manumpa.

Dagdag pa niya, tinitingnan ng Comelec ang posibilidad na payagan ang mga aplikante na gawin ang kanilang panunumpa sa pamamagitan ng online.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.