Voters’ education at mga registration fair, target isagawa ng Comelec sa mga state university

Share this information:

TARGET ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang voters’ education at registration fair series ang mga estudyante lalo na sa government colleges o universities, sinabi ng isang opisyal nitong Lunes.

Sinabi ni Jason Orbita, Comelec-Negros Oriental communications focal person at concurrent election officer ng bayan ng Valencia, na itinakda ang voter’s education sa Miyerkules sa Negros Oriental State University (NORSU).

Isang kaparehong aktibidad din ang isinagawa sa Siquijor State College sa kalapit na probinsya ng Siquijor kasama si Comelec chairman George Garcia. Dadalo rin si Garcia sa NORSU activity at inaasahang magsasalita sa harap ng mga estudyante.

Karamihan sa mnga estudyante ay first-time voters na kailangang maturuan ng kanilang karapatan sa pagboto at magkakaroon din ng onsite registration area para sa mga gustong magparehistro.

Sinabi pa ni Orbita na isang pang highlight ng activity ay ang “register anywhere” program ng Comelec kung saan papayagang magparehistro ang mga mag-aaral na mula sa labas ng Negros Oriental. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.