Voter registration extension, tuloy na

KINUMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpapatuloy ang voter registration para sa May 2022 national at local elections pagkatapos ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng mga nagnanais kumandidato. 

Extension is unanimously approved,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez..

Sinabi naman ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na ang ekstensiyon ng voter registration ay itinakda ng poll body mula Oktubre 11 hanggang 30, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ang voter registration extension ay kasunod ng mga panukala ng mga mambabatas at panawagan ng publiko na palawigin pa ito dahil marami pa ang gustong magparehistro para makaboto sa susunod na halalan.

Sinabi ni Guanzon na wala nang voter registration ng Sabado at Linggo, maliban na lamang sa Oktubre 30, na natapat ng araw ng Sabado, at kung kailan magbubukas sila ng hanggang alas-5 ng hapon.

Nauna nang sinabi ni Comelec chairman Sheriff Abas na inaprubahan na ang pagpapalawig ng voter registration extension mula Oktubre 9 hanggang 31.

Gayunman, ang Oktubre 9 ay natapat sa araw ng Sabado, habang ang 31 naman ay natapat sa araw ng Linggo.

Idinagdag naman ni Guanzon na ang reactivation ay maaari pa ring gawin sa pamamagitan ng e-mail o personal appearance sa Comelec office.

Nabatid na hanggang nitong Setyembre 11, umaabot na sa 63,364,932 ang mga rehistradong botante para sa May 9, 2022 elections.

(May kasamang ulat ni Jonah Aure)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.