Breaking News

Share this information:

SINALAKAY ng mga awtoridad ang opisina ng isang online seller ng mga gadgets matapos itong ireklamo na “tipak ng bato” ang ipinadadala sa kanilang buyer.

Pinangunahan  ni Lt/Col. Jhun Ibay ng District Intelligence Division-Special Mayor’s Reaction Team (DID-SMaRT), Manila Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) ang pagsalakay sa Apollo Electronics and Accessories Corp. na matatagpuan  sa ikalawang palapag ng 1120 Otis Building sa Paco, Maynila.

Ikinasa ang operasyon makaraang dumulog sa tanggapan ni Ibay ang isang concerned citizen hinggil sa modus ng nasabing establisimyento bukod pa sa wala umano itong bussiness permit.

Naabutan naman ng mga operatiba ang kahon-kahong items na nakabalot ng tatak ng isang kilalang kumpanya ng logistics.

Natuklasan na tipak ng bato ang laman ng ibang pakete nang buksan ng mga awtoridad.

Bagaman may mga cellphone din na nakabalot, ang reklamo rin ng ibang kostumer ay ibang brand ang kanilang natatanggap at minsan at bato ang laman ng kanilang package.

Ayon kay Ibay, mayroong false information ang kompanya na inilalabas sa mga commercial na sinasabing ang nasabing item ang malakas at mahusay.

Sa pagsalakay, natuklasan din na maraming returned items ayon pa kay Ibay.

Dagdag nito, ang kumpanya ay nagbebenta ng gadgets, cellphone at electronic accessories kung saan mayroon itong 35 sites ng kanilang online selling partner na kilalang logistics company.

Depensa naman ng mga inabutang tauhan ng kompanya, ginagamit lamang ang naka-pack na mga bato para tumaas ang ratings ng seller.

Gayunman, iimbestigahan pa rin ng pulisya ang mga buyer na nakalagay sa addressee ng parcel na bato. Sinasabing “fictitious” ang mga pangalan na ito at ginagamit lamang para magkaroon ng magandang comments at rating ang seller’s site.

They have one address na kung saan doon lang bumabagsak but using different names at ‘yun ‘yung pinakikita nila na mataas ‘yung rate nila sa pagkuha sa kanila ng mga parokyano nila,” ayon p kay Ibay.

Nanawagan naman si Ibay sa mga nabiktima ng nasabing kompanya na magreklamo upang mapalakas ang kasong isasampa sa may-ari na isang Chinese national.

Mahaharap sa kasong estafa na nauugnay sa cybercrime law, paglabag sa Consumer Act of the Philippines at pag-ooperate ng negosyo na walang business at occupational permit ang may-ari ng Apollo.

(PHOTO CREDIT: Special Mayor’s Reaction Team Facebook page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: