Vice President-elect Sara Duterte-Carpio, nanumpa na bilang susunod ng VP ng bansa

Share this information:

LABING-ISANG araw bago pormal na magsimula sa kanyang panunungkulan, nanumpa na bilang ika-15 Bise Presidente ng Pilipinas si outgoing Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Si Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando ang nangasiwa sa pagpapanumpa kay Duterte-Carpio sa seremonyang idinaos sa San Pedro Square sa Davao City.

Dinaluhan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng kanyang anak at sumaksi rin si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., gayundin si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng 44-anyos na presidential daughter ang mga aral ni Dr. Jose Rizal na kasabay ding ipinagdiriwang ang kaarawan nito.

May his memory light up the fire within us to become patriots. Rizal taught us that selflessness and sacrifice could change our country’s fate and shape our children’s future. The bravery of Rizal completes the fabric of our identity as Filipinos,” ani Duterte-Carpio.

Magkasama sana tayong bumangon bawat araw kasabay ang nag-aalab na pangako sa ating mga puso na mahal natin at patuloy nating mamahalin ang Pilipinas hangga’t tayo ay nabubuhay. Let us show our love for our country by taking care of our families and communities despite the unending challenges that come our way,” dagdag nito.

Ayon sa incoming bise presidente, ang matatag, mapagmahal, at masayang pamilya ang pangunahing pundasyon ng pag-unlad ng bawat bata.

At home, parents have the duty to teach children the values of integrity, discipline, respect, and compassion for others. And we should never forget that it is the duty of each Filipino family to emphasize that education begins at home,” punto nito.

Sinabi pa ni Duterte-Carpio na hindi man siya ang pinakamagaling o pinakamatalinong tao sa Pilipinas, matibay ang kanyang puso bilang Pilipino.

Ako po si Inday Sara. A proud Dabawenya. A proud Mindanawon. Hindi ako ang pinakamagaling, o pinakamatalinong tao sa Pilipinas at sa mundo — ngunit walang makakatalo sa tibay ng puso ko bilang isang Filipino,” diin pa ng presidential daughter.

Umabot sa 32,208,417 ang mga botong nakuha ni Duterte-Carpio sa nakalipas na May 9 national at local elections.

(MAIN PHOTO: Makikita si VP-elect Sara Duterte-Carpio kasama ang kanyang inang si Elizabeth Zimmerman (may hawak ng Bibliya) at outgoing President Rodrigo Duterte)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.