Vendor, kulong sa pagnanakaw sa Malabon

Share this information:

DIRETSO sa kulungan ang isang vendor matapos pasukin at pagnakawan ang bahay ng kapitbahay na tricycle driver sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Rommel Pomeda, 25 anyos, ng Gulayan, Brgy. Catmon.

Sa imbestigasyon nina PSSgt. Mardelio Osting at PSSgt. Diego Ngippol, dakong alas-11:15 ng gabi, natutulog ang biktimang si Edwin Aparri, 52 anyos, at kanyang pamilya sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa No. 17 Gulayan, Brgy. Catmon nang mapansin nito ang pagpasok ng isang tao sa kanilang kuwarto.

Pinagmasdan ng biktima ang tao at nang magkaroon siya ng pagkakataon ay sinunggaban niya ito subalit nanlaban ang suspek at tumakbo para tumakas.

Hinabol niya ito at sa tulong ng mga bystanders ay nagawa nilang mapigilan ang suspek saka humingi ng tulong ang biktima sa mga barangay tanod na naging dahilan upang arestuhin si Pomeda at narekober sa kanya ang dalawang cellphones.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.