Maynila, naghahanda sa posibleng lockdown

Share this information:

NAGHAHANDA na ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa posibleng pagpapatupad ng lockdown sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa.

Kaninang umaga, nagpatawag ng emergency meeting si Manila City Mayor Francisco Domagoso kasama si Vice Mayor Ma. Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at iba pang local government at city health officials upang talakayin kung paano mapapagaan ang pagkalat ng Delta variant.

Inatasan ng alkalde ang Manila Disaster and Risk Reduction Management Office, Manila Barangay Bureau, at Manila Police Department na alertuhin ang kanilang mga tauhan sakaling kakailanganin ang granular lockdown.

Nakipag-ugnayan na rin ang alkalde sa anim na district hospitals, Manila COVID-19 Field Hospital at Manila Health Department sakaling may panibagong surge ng kaso ng COVID-19.

“Ayaw na nating marinig na may mga namatay sa parking lot dahil wala nang space sa ospital. Grabeng dagdag pasakit ‘yun,” pahayag ni Domagoso.

Kaya ngayon na may Delta variant, it’s a good thing that we have a facility that can serve the public. Welcome po ang lahat dito,” dagdag na pahayag pa ng alkalde. 

Sinabi pa ni Domagoso na ang Maynila ay magpapatuloy upang mapigilan ang posibleng pagtaas ng impeksyon ng COVID-19 sa mga residente.

The City of Manila has actually been preparing for the worst case scenario over the past few months. Kahit nung hindi pa nagka-surge, we have kept on adding to our quarantine facilities and other resources in response to the pandemic. Hindi talaga dapat maging kampante,” ayon pa kay Domagoso.

Ngayong Miyerkules hanggang alas 12 ng tanghali, nasa 642 active cases at 66,582 recoveries ang naitala na sa lungsod.

Ang anim na district hospitals ay kasalukuyang nasa 32 percent ang bed occupancy rate; 65 percent bed occupancy rate para naman sa Manila COVID-19 Field Hospital; at 9 percent occupancy rate para sa  COVID-19 quarantine facility.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.