Valenzuela City mayor Rex Gatchalian, nagpositibo sa COVID-19

Share this information:

INIHAYAG ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na siya ay positibo sa COVID-19.

Sinabi ng alkalde na nagpositibo siya sa regular na isinasagawang work safety testing sa city hall ng lungsod.

Sa ngayon ayon kay Gatchalian, nakakaranas siya ng very mild na sintomas.

Tuloy pa din naman daw ang kanyang trabaho habang nasa mandatory quarantine sa isa sa mga isolation facility ng lungsod.

Sa kasalukuyan, may 493 na ang aktibong kaso sa Valenzuela matapos madagdagan ng 184 kahapon, ayon sa datos na inilabas ng City Health Office ng lungsod.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.