Mga hotel, quarantine facilities, hindi palulusutin sa paglabag sa protocols

Share this information:

ISANG mataas na opisyal ng Palasyo ang nagsabing hindi palulusutin sa anumang legal na pananagutan ang mga hotel at iba pang quarantine facilities kung sakaling mapatunayang lumabag ang mga ito o nagpabaya sa pagpapatupad ng mga umiiral na COVID-19 quarantine protocols.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang pagtitiyak na ginawa nito ay kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi raw “legally correct” na habulin ang mga may-ari o manager ng hotels sakaling may naging paglabag sa protocols ang kanilang mga panauhin.

Pahayag pa ni Duterte na dapat na manatili sa gobyerno ang “police powers” upang matiyak na nananatili o hindi tatakas sa mga pasilidad ang mga tao na dapat ay sumasailalim sa quarantine.

Paliwanag ni Nograles, kaya dapat may pulis o law enforcer sa mga pasilidad ay upang masigurong maiiwasan ang anumang paglabag, dahil na rin sa limitasyon ng mga tauhan gaya sa mga hotel.

Dagdag ni Nograles, hindi naabswelto ang Berjaya Hotel at sa katunayan ay nakapaghain na ng reklamo laban sa mga opisyal at kawani nito dahil sa kontrobersiyal na “Poblacion Girl.”

Ibig sabihin, ang mga hotel at kahalintulad na pasilidad ay maaaring maging “legally liable” dahil sa kapabayaan at kabiguan na i-report ito sa mga awtoridad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Valenzuela City mayor Rex Gatchalian, nagpositibo sa COVID-19

Wed Jan 5 , 2022
INIHAYAG ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na siya ay positibo sa COVID-19. Sinabi ng alkalde na nagpositibo siya sa regular na isinasagawang work safety testing sa city hall ng lungsod. Sa ngayon ayon kay Gatchalian, nakakaranas siya ng very mild na sintomas. Tuloy pa din naman daw ang kanyang […]
%d bloggers like this: