Utang ng bansa bahagyang bumaba — BTr

Share this information:

SA pagtatapos ng buwan ng Mayo 2022 bahagyang bumaba ang utang ng bansa sa P12.50 trilyon mula sa dating P12.76 trilyon noong matapos ang Abril 2022, ayon sa pahayag ng Bureau of Treasury o BTr.

Ayon sa ahensiya, lumalabas na bumaba ng P267.41 bilyon o 2.1 porsiyento ang kabuuang utang ng gobyerno para sa buong buwan ng Mayo dahil sa pagbabayad sa provisional advances sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Una nang ipinahayag ng Department of Finance na nabayaran na nito nang buo ang P300 bilyong utang sa BSP ng mas maaga sa aktuwal na maturity date nito na Hunyo 11, 2022.

Sa kabuuang utang ng bansa, 30.7 porsiyento ay galing sa labas ng bansa habang ang 69.3 porsiyento ay nagmula naman sa domestic borrowings.

Ayon sa BTr, nagkakahalaga ng P8.67 trilyon ang domestic debt nitong nakaraang Mayo, na mas mababa ng 3 porsiyento o katumbas ng P270.40 bilyon kumpara sa pagtatapos ng Abril na nakapagtala ng P8.93 trilyon.

Para sa buwan ng Mayo, ang tubo para sa utang panlabas ng bansa ay iniuugnay sa epekto ng malikot na palitan ng piso at ng dolyar.

Nasa P3.83 trilyon naman ang naitalang utang panlabas ng bansa, na mas mataas ng 0.1 porsiyento mula sa P3.827 trilyon noong pagtatapos ng Abril.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.