Pulis, timbog sa PNP-IMEG dahil sa carnapping

ISA na namang pulis ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) na di-umano ay sangkot sa kaso ng carnapping.

Kinilala ni PNP-IMEG OIC PBGen. Samuel Nacion ang suspek na si Patrolman Jassim Muhammad, isang aktibong myembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM).

Inaresto si Muhammad sa tinutuluyan nito sa Rosary Heights VI, Cotabato City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu laban dito matapos na makatanggap ng tip ang PNP-IMEG.

Nabatid din na nahaharap si Muhammad sa dalawa pang kaso ng carnapping.

Ayon kay Nacion, mananatiling puspusan ang kanilang kampanya upang malinis ang kanilang hanay at wala silang sasantuhin na pulis.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.