SINABI ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na posibleng tumaas ang economic growth rate ng Pilipinas mula anim hanggang walong porsyento ngayong taon.
Ayon kay Concepcion, posibleng mangyari ito kung iiwasan ng administrasyong Marcos ang pagpapatupad ng mga lockdown sa bansa.
Ibig sabihin nito ay dapat pa ding mapanatili na mababa ang hospital utilization rate. Hindi na rin kasi aniya kakayanin ng maliliit na negosyante kung mangyayari muli ang pagsasara ng mga negosyo.
Sagot naman ni Mon Casiple, isang political advisor, kailangan din magkaisa ng lahat ng Pilipino kabilang na ang mga hindi bumoto sa bagong administrasyon.
Hindi na kakayanin ng presidente kung ang mismong mamamayan ay hindi tutulong para umunlad ang bansa.