Updated isolation/quarantine policy, ipinaliwanag ng DOH

Share this information:

IPINALIWANAG ng Department of Health (DOH) ang polisiya sa pagpapaikli ng isolation at quarantine periods para sa  confirmed cases at close contacts sa gitna ng mabilis na pagtaas ng bilang ng mg kaso ng COVID-19 dulot ng Omicron variant.

 Ayon kay DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang isolation period ng fully vaccinated na mild COVID-19 cases ay pinaikli na sa 7 araw mula sa 10 araw matapos magsimula ang sintomas. 

Ang isolation period naman para sa fully vaccinated asymptomatic cases ay magiging 7 araw na lamang mula sa dating 10 araw matapos ng kanilang positive swab test result.

Sa updated isolation period, sinabi ng DOH na ang hospital infection and control committee at ang Provincial Health Office ay maaaring paikliin ang isolation duration para sa fully vaccinated healthcare workers na may booster ng 5 araw, sa maingat na pagtatasa ng mga benepisyo at panganib.

 “May be expanded to other sectors with strict industry standards on IPC subject to IATF approval,” ayon kay Vergeire.

Sinabi rin ni Vergeire na ang quarantine period para sa fully vaccinated close contact ng COVID-19 patient ay paiikliin din sa 5 araw mula sa dating 7 araw.

For the quarantine of asymptomatic close contacts for the general public, policies are to be from seven days we shortened it to five days for those who are fully vaccinated, and we retained 14 days for partially or unvaccinated individuals,” pahayag pa ni Vergeire.

Ito ay napapailalim sa IATF approval/DOH guidelines.

Mananatili naman ang 10 araw na isolation para sa mga bahagya o  hindi nabakunahan, at sa mga may katamtamang sintomas anuman ang katayuan ng pagbabakuna.

Samantala, ang isolation period ay mananatili sa 21 araw para sa mga severe at critical cases at mga  immunocompromised.

Sinabi ni Vergeire na hindi rin kakailanganin ang pagsusuri ng mga asymptomatic close contact maliban kung may mga sintomas. 

Para sa mga healthcare workers na itinuturing na asymptomatic close contact, para sa pagkakapareho ay susundin nila ang limang araw na quarantine katulad ng pangkalahatang publiko–sa kondisyon na sila ay ganap na nabakunahan.

The general public and specific sectors like health care workers had been causing confusion on the ground,” ayon kay Vergeire kaya kinailangan i-update  ang  guidelines sa quarantine period kung saan maging sa ibang bansa ay binabago na din ang kanilang quarantine at isolation process.

While the US CDC (Centers for Disease Control and Prevention) is the most aggressive example by bringing down their isolation and quarantine periods to five days, we also see other countries moving down from 14 to seven to 10 days,” ang pahayag ng tagapagsalita ng DOH.

Naniniwala din ang mga health experts lalo na sa Omicron variant na ang benepisyo sa pagpapaikli ng quarantine ay mas malaki kaysa sa panganib.

The prolonged quarantine and isolation duration has been causing strain to our healthcare system and our economy,” dagdag pa nito.

The updated policy of the Philippines attempts to find acceptable standards given our current context and allow more flexibility to groups and sectors that can strictly implement infection, prevention, and control procedures,” sinabi pa ng opisyal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.