PCG, kinondena ang brutal na pagpatay sa kanilang tauhan

Share this information:

MARIING kinondena ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang brutal na pagpatay sa isa nilang tauhan sa Dual, Pangasinan.

Kasabay nito, nagpahayag ng sinserong pakikiramay si PCG District Southern Tagalog Commander, CG Commodore Genito Basilio, sa pamilya ng biktima na si CG Apprentice Seaman (ASN) Angelo Martinez, 23 anyos, at nakatalaga sa PCG District Southern Tagalog. 

“He will not be able to achieve his dreams and aspirations anymore as he was ruthlessly slayed by a still unknown gunman. Rest in peace, CG ASN Angelo Martinez. My snappy salute to you. Salamat sa serbisyo mo sa bayan, anak,” pahayag ni CG Commodore Basilio.

Nangyari umano ang pamamaril sa biktima noong Enero 11 pasado alas 11 ng gabi sa Barangay Paitan West Corner Bolaoen Road, Sual, Pangasinan.

Residente ng Bolaoen ang biktima at kausap ang suspek nang bigla siyang barilin sa kaliwang bahagi ng bibig.

Isang concerned citizen ang nakakita sa biktima na nakahandusay sa tabi ng kanyang motorsiklo sa pag-aakalang nasagasaan kaya agad nitong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Naisugod pa sa Primary Care Infirmary Facility sa Caoayan, Sual Pangasinan si Martinez ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Patuloy naman ang hot pursuit operation ng Philippine National Police laban sa suspek habang ang PCG naman ay nagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Updated isolation/quarantine policy, ipinaliwanag ng DOH

Thu Jan 13 , 2022
IPINALIWANAG ng Department of Health (DOH) ang polisiya sa pagpapaikli ng isolation at quarantine periods para sa  confirmed cases at close contacts sa gitna ng mabilis na pagtaas ng bilang ng mg kaso ng COVID-19 dulot ng Omicron variant.  Ayon kay DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang isolation period ng fully vaccinated na […]
%d bloggers like this: