Maynila, naglabas na ng direktiba para sa nalalapit na Pista ng Sto. Niño

Share this information:

NAGLABAS na ng direktiba ang pamahalaang lungsod ng Maynila hinggil sa nalalapit na kapistahan ng Sto. Niño, tulad ng para sa suspensyon sa klase sa mga pribado at pampublikong paaralan, at 24/7 booster drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand.

Ito ay sa gitna pa rin ng lumolobong bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa isang press conference ngayong Huwebes, sinabi ni Mayor Francisco Domagoso na magpapatupad din ang lungsod ng liquor ban sa mismong araw ng Kapistahan ng Sto. Niño sa lugar ng Tondo at Pandacan.

Nilagdaan na ng alkalde ang Executive Order No. 4 kung saan papaigtingin ang pagpapatupad sa umiiral na City Ordinance 5555 na nagbabawal sa pagbebenta, at pag-inom ng alak o anumang nakalalasing na inumin sa nasasakupang lugar nito.

Tanging online mass lamang din ang gagawin dahil wala nang pisikal na misa sa mga simbahan sa mga lugar na nasasakupan ng Pista kahalintulad sa ginawang hakbang ng Quiapo Church sa nagdaang kapistahan dito.

Ipinag-utos na rin na simula bukas (Enero 14) ay suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa Maynila pribado man o pampublikong paaralan, online class man o physical class hanggang Enero 21 upang mabigyan ng sapat na oras na makapagpahinga ang mga estudyante at mga guro lalo na ang mga tinamaan ng COVID-19.

Simula naman ngayong alas-12 ng hatinggabi (Enero 14) ay sisimulan na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang 24/7 booster drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand.

Sinabi ni Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na magiging “unlimited” na ang mga nais magpabakuna sa nasabing drive-thru vaccination caravan basta’t dalhin lamang ang kanilang vaccination card.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Globe temporarily closes select stores as COVID-19 cases rise

Thu Jan 13 , 2022
TELCO Globe Telecom said it will temporarily close select stores in the National Capital Region (NCR) and other areas due to the surge of COVID-19 cases in the country. Since Globe is not spared from the rising community infections, the move is done to ensure the safety of both customers […]
%d bloggers like this: