Breaking News

Share this information:

DUMAMI pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nuong Abril matapos na ipatupad ang ilang linggong lockdown o mahigpit na community quarantine status dahil sa muling pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na mayruong 2.14 milyon ang walang trabaho nuong Abril kaya’t tumaas ng 8.7% ang unemployment rate. Mas mataas ito sa 3.44 milyong jobless na pinoy at 7.1% unemployment rate nuong Marso.

Nauna nang ipinatupad ang ilang linggong enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ sa NCR Plus nuong Marso hanggang Abril.

Ang National Capital Region ang nakapagtala ng pinakamataas na unemployment rate na 14.4% o katumas ng 875,000 mga walang trabaho nuong Abril.

Sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ang NCR unemployment rate para sa buwan ng Abril ang ikalawa sa pinakamataas na naitala mula nuong Hulyo 2020 na 15.8%.

Tumaas din ang unemployment rate sa Region II o Cagayan Valley na nasa 13.4%.

Kabilang sa mga sektor na bumagsak ang employment rate ay sa construction, agrikultura, forestry, trade, manufacturing at financial at insurance.

Samantala, lumobo rin ang underemployment rate 17.2% nuong Abril o mayruong 7.45 milyon ang nasa ilalim ng kategoryang ito. Bumaba naman ang employment rate na mula sa 92.9% nuong Marso ay nasa 91.3% na lamang nitong Abril.  Ibig sabihin, nasa 43.27 milyong Pilipino na edad 15-anyos pataas ang may trabaho nuong Abril.

AMINADO naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) na inaasahan na rin nila na marami ang mawawalan ng trabaho nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR plus nuong Marso hanggang Abril at ang Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) mula Mayo 1 hanggang 15.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang naitalang mataas na unemployment rate nuong Abril ay bunsod ng limitasyon sa mga negosyo at manggagawa sa layong maiwasang kumalat ang COVID-19 virus.

Pero kaisa aniya ang DOLE sa mga economic manager ng gobyerno na nagtutulak ng ligtas na muling pagbubukas ng mga negosyo at sa bahagyang pagluluwag ng community quarantine levels upang magpatuloy ang mga trabaho at makabawi ang ekonomiya.

Tiwala si Bello na bubuting muli ang kondisyon ng labor market sa bansa kasabay ng pagroll-out ng pagbabakuna sa mga nasa A4 category o economic workers.

Kaakibat ng paghihikayat sa mga manggagawa na magpabakuna na ay ang apela ni Bello na patuloy na mahigpit na sundin ang minimum public health standards (MPHS), at ang occupational safety and health policies.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: