Breaking News

Share this information:

NAITALA ang magnitude 5.3 na lindol sa bahagi ng Burgos, Surigao del Norte, madaling araw ng Martes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang epicenter ng lindol sa layong 68 kilometro ng bayan ng Burgos at may lalim itong isang kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa bahagi ng Dapa, Surigao del Norte habang Intensity II sa Palo, Leyte.

Kung pagbabatayan naman ang naitalang instrumental intensities ay naitala ang Intensity II sa Surigao City; Abuyog, Leyte at Intensity I sa Alangalang at Baybay, Leyte; Gingoog City, Misamis Oriental.

Bagamat inaasahan ng Phivolcs ang aftershocks dahil sa lindol, hindi na umano ito magdudulot ng pinsala sa mga imprastruktura.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: