Breaking News

Share this information:

NAPIGILAN ng Bureau of Customs (BOC) ang tangkang pagpupuslit ng milyun-milyong pisong halaga ng hindi deklaradong veterinary medicines.

Ayon sa BOC, nasa 2.5 toneladang ng mga veterinary products na aabot sa P5 milyon ang dumating sa Manila International Container Port mula India.

Idineklara ang mga ito bilang latex gloves ngunit nang suriin, natuklasan na mga gamot at iba pang produkto para sa alagang hayop pala ang mga ito.

Nagpalabas na ng warrant of seizure and detention laban sa mga produkto habang iniimbestigahan ang mga sangkot sa pagpasok ng naturang mga kargamento.

Nagbabala naman ang BOC sa publiko laban sa pag inom ng mga smuggled na gamot dahil sa panganib sa kalusugan dulot nang hindi nito pagdaan sa tamang inspeksyon at pagsusuri ng mga awtoridad sa kalusugan sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: