Breaking News

Share this information:

MAIN PHOTO: Makikita sa larawan sina Senator Joel Villanueva; Governor Daniel Fernando; Inter-Agency Task Force (IATF) Deputy Chief implementer Secretary Vince Dizon; DOH Undersecretary Dr. Leopoldo Vega; at mga opisyal ng DOH Region 3.

BOCAUE, Bulacan–Pormal nang pinasinayaan ang kauna-unahang pampublikong ospital sa bayang ito na pansamantalang gagamitin muna bilang COVID-19 extension field facility ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital (JBLMGH).

Ang ospital, na matatagpuan sa Barangay Igulot sa bayang ito, at may kabuuang halaga na P305 milyon, ay ipapangalan kay dating Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna at ito ay tatawaging Joni Villanueva General Hospital (JVGH).

Ang ospital na mayroong tatlong palapag ay pinasinayaan sa unang taon ng kamatayan ni Mayor Joni.

Si Mayor Joni ay binawian ng buhay sa sakit na sepsis secondary to bacterial pneumonia isang taon na ang nakalilipas sa kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

Pinangunahan nina Senator Joel Villanueva na kapatid ni Mayor Joni, Governor Daniel Fernando, Inter-Agency Task Force (IATF) Deputy Chief Implementer Secretary Vivencio Dizon ang pagpapasinaya sa nasabing ospital, kasama ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) Region 3.

Ayon kay Sec. Dizon, ang naturang  3-palapag na pagamutan ay extension ng JBLMGH sa Pampanga na magsisilbing pansamantalang COVID-19 extension field facility para sa mga pasyente mula sa lalawigan at katabing lugar nito.

Mapait dahil ang araw na ito ay nasawi ang minamahal ko pero matamis dahil ito ang katuparan ng mga pangarap ni Mayor Joni para sa mamamayang Bocaueño,” ayon sa asawa ni Mayor Joni na si former CIBAC Rep. Sherwin Tugna.

Ayon naman kay Gov. Fernando, ang bagong ospital ay makakatuwang ng  Bulacan Medical Hospital at Bulacan Infectious Control Center na nasa Malolos para mas mapababa ang kaso ng COVID-19 sa probinsiya. 

Sabi ng gobernador, ang naturang ospital ay pangangasiwaan ng DOH at sa national government naman magmumula ang operational fund nito.

Nabatid na si Mayor Villanueva-Tugna at ang pamilya nito ang nagkaloob ng lote para magkaroon ng sariling pampublikong ospital ang bayan ng Bocaue, na pinondohan naman ni Sen. Villanueva ang konstruksyon at pambili ng mga equipment.

The hospital will have a 50-bed capacity and can employ up to 150 medical and allied health professionals including jobs in administration, engineering, and housekeeping,” ayon kay Sen. Villanueva.

With the construction of the Joni Villanueva General Hospital, the people of Bocaue no longer have to endure the long lines at public hospitals in Malolos or Sta. Maria,” dagdag pa ng senador.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: